[LP] Ayaw Ko (I Don’t Like)

August 28th, 2008

Ng matataas na lugar. Ako po ay isang “duwag” pagdating sa matataas na lugar. Mabuti na lang na ang monorail na ito ay maikli lamang at madali rin kaming nakababa sa patag. Ito ay kuha sa Tagaytay Highlands nung 2005.

~oOo~

Heights. I am a coward when it comes to heights. It was good that the monorail ride is short thus we were back on the grounds in no time. This was taken in Tagaytay Highlands, Philippines in 2005.

Maraming Litratong Pinoy dito, dito at dito!

24 Responses to “[LP] Ayaw Ko (I Don’t Like)”

  1. Em Dy Says:

    Nakakatuwa ang kuha mo. Feeling ko nakasakay din ako sa monorail. Magandang Hwebes!

    Em Dy’s last blog post..Di Ko Kayang Tanggapin

    Reply

  2. ces Says:

    ako rin takot ako sa mga ganitong rides! nice shot though!:)

    ces’s last blog post..Litrato: on saying goodbye…

    Reply

  3. Litzie Says:

    Nakakatakot ang kuha mo. Ayaw ko rin nito at bawal sa akin sumakay sa mga ganito dahil sa aking vertigo. Maligayang paglahok sa LP ngayong linggo!

    Reply

  4. julie Says:

    Kaya ko yan, kaya kong umayaw :D

    Basta mukhang tolerable ang twists, turns and height, ok lang sa akin. Pero kapag medyo tumatanda na, parang lumalakas na ang kaba :D

    Reply

  5. komski kuno Says:

    Kapag natatakot ako, natatawa ako, hehehe. I mean, dinadaan ko na lang sa malakas na tawa at pasigaw na mura, hehehe. Pero hmmm, hanggang perya pa lang ako. Ang nakakatakot madalas dun e hindi ang taas kundi baka bigla na lang masira ang ride, makalas ang sinasakyan mo at tumilapon ka, hehehe.

    komski kuno’s last blog post..Ayoko sa madilim,

    Reply

  6. ShutterHappyJenn Says:

    Takot din ako sa matataas na lugar, pero kung ganito kaganda ang view, kakayanin ko! =)

    Dito po ang LP ko ngayong linggo. Hapi Huwebes!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Ayaw Ko (Reject)

    Reply

  7. ettey Says:

    wow ang ganda ng lugar! ang sarap siguro sumakay jan! gandang araw!

    ettey’s last blog post..LP: AYAW KO!

    Reply

  8. JoyD Says:

    Uyyy ang sarap pumunta dyan ah….

    JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy (Ayaw ko! Reject)

    Reply

  9. sardonic nell Says:

    this is one great photo, pati ako eh nalula. hehehe! happy thursday ;)

    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #22: Ayaw Ko

    Reply

  10. jennyL Says:

    naku po isama mo pa ko na isang duwag.. hihiyaw ako pag ganyan… kahit nga humps minsan nalulula ako (over di ba?)

    happy LP
    http://jennysaidso.com/2008/08/lp-ayaw-ko.html

    jennyL’s last blog post..LP: Ayaw Ko! (I Don’t Like!!!!)

    Reply

  11. iris Says:

    career ka talaga tin! :)

    i like the perspective too. i like riding in cable cars, ang mommy ko ayaw na ayaw. hehe.

    Reply

  12. Jay Says:

    ano po ito? cable car o roller coaster?

    saganang aking, ang maganda sa mataas na lugar eh yung view. pero ang hindi maganda – lalo na kung nakapwesto ka sa magalaw na bagay – nakakahilo at nakakalula.

    masayang huwebes po, eto po ang aking lahok:
    http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html

    Jay’s last blog post..LP#22: Ayaw ko! (Reject)

    Reply

  13. Leah Says:

    kahit takot ka, at least nagawa mo pang kunan ng litrato yung roller coaster! hehe… ganda ng kuha!

    Leah’s last blog post..LP: Ayaw ko!

    Reply

  14. Mayet Says:

    takot din ako sa ganyan!!!!nahihilo ako

    Reply

  15. Cookie Says:

    baliktad naman tayo, tuwang tuwa ako dyan sa funicular ng highlands. dun pa nga kami sa harap lagi sumasakay eh para mas nakakatakot…WHEEEEE!! :D

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Ayaw Ko!

    Reply

  16. yvelle Says:

    ako din matatakutin sa matataas na lugar.. kaya ayoko din sumakay ng mga ganyan..

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-22-ayaw-ko.html

    yvelle’s last blog post..LP # 22 Ayaw Ko

    Reply

  17. dang Says:

    ang ganda naman nitong kuha mo. naalala ko tuloy ang aming tagaytay adventure noon..taga bacoor, cavite kasi ako at madalas kami mag weekend sa tagaytay at fave ko dito sa highlands..
    yan ang pic, brings back memories..ganda talaga tin!

    Reply

  18. JO Says:

    takot din ako sa heights [cable cars], pero kaya kong sakyan ang mga roller coaster rides.

    JO’s last blog post..Litratong Pinoy – Ayaw ko!

    Reply

  19. lino Says:

    ganda naman ng perspective dito christine, kuha mo yung rail pati yung view sa baba, great framing!!! pesensya na at nahuli, TGIF…. :)

    lino’s last blog post..ayaw ko…

    Reply

  20. carol bustos-santiago Says:

    I have a similar shot of this monorail. Sayang naman, ibig sabihin hindi ka nag-r-roller coasters? :)

    carol bustos-santiago’s last blog post..meme

    Reply

  21. ner Says:

    hahaha… nung unang tingin ko dahil nasa baba ng fold ung rail, nagtataka ako.. ano kaya ayaw mo dito. tas pagscroll down ko, nalula ako bigla! ang galing ng shot. :D

    ako rin, ayoko ng heights! natry nyo na po sa mga amusement rides? hehe. yoko na ng ganun ^^

    maligayang paglilitrato po!

    ner’s last blog post..An Open Hate Letter

    Reply

  22. Toni Says:

    dati nakakayanan ko ito pero ngayon… ngerrrr. ang galing ng kuha mo ha. nahilo ako isang tingin palang! :P

    Toni’s last blog post..Weekend Soiree #34: A game of comment interaction

    Reply

  23. something purple Says:

    ay ayaw ko din nito tin. as usual ang ganda ng kuha mo =)

    something purple’s last blog post..Sunday Music

    Reply

Trackbacks/Pingbacks

  1. [LP] Ayaw Ko (I Don’t Like) | about christine

Leave a Reply

CommentLuv Enabled